Bawas-singil ulit sa presyo ng produktong petrolyo bukas, Nov. 30
Spread the news on:

May bawas-singil muli sa presyo ng produktong petrolyo simula bukas, Martes, Nov. 30, ayon sa mga oil company.

Nabawasan ng P0.60 kada litro ang diesel, natapyasan naman ng P1.10 kada litro ang gasolina at bawas-singil ng P0.50 kada litro sa kerosene.

Ito na ang ika-apat na linggong  may bawas-singil sa mga nasabing produkto.

Sa loob ng isang buwan na rollback, may kabuuang P2.40 kada litro ang ibinaba sa presyo ng diesel, nasa P3.85 kada litro naman sa gasolina at P2.55 kada litro sa Kerosene.

Nauna nang nagpahayag sa pagpapatupad ng rollback ang kumpanyang Caltex, Seaoil, PetroGazz, Unioil, PTT Philippines at Cleanfuel.

Magsisimula ang bawas-singil sa mga produktong petrolyo mamayang 12:01 a.m. may ilan naman kumpanya na 6:00 am ang pagpapatupad at meron din bandang 8:01 ng umaga.

Sinabi naman ng market watchers, ang natuklasan na bagong COVID-19 variant ang nagpaigting para muling maghigpit sa galaw ng mga tao kaya ang resulta ay bumaba ang demand ng mga bilihin.

Sa pinakabagong datos ng Department of Energy (Doe) ang year-to-end adjustments ay may net increase na P16.30 kada litro sa diesel, nasa P19.20 kada litro sa gasolina, at P13.69 kada litro naman sa kerosene.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.