(Photo courtesy: Screengrab from PTV FB)
Umarangkada na ngayong araw ang 3-day National Vaccination Day o Bayanihan Bakunahan.
Sa harap ng pagkakatuklas sa posibleng mas nakahahawang bagong variant of concern na Omicron, hinikayat ng Department of Health at National Task Force against COVID-19 ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa sakit.
Sa National Vaccination Day, unang target na makapagbakuna ng 15 milyong doses ngunit ibinaba ito sa 9 milyong doses o katumbas ng tatlong milyong doses kada araw.
Sa December 10 ay target naman umpisahan ang roll out ng booster shots sa A4 o mga essential worker.
Sa Dec.15 hanggang 17, 2021 ay muling ikakasa ang round 2 ng National Vaccination na sesentro sa pagtuturok ng booster shots partikular sa mga health worker, senior citizens at immunocompromised individuals.
Umaasa ang gobyerno na makakamit ang 54 milyong bakunadong Pilipino o katumbas ng 70-percent target population bago matapos ang taon.
Katuwang ng pamahalaan ang ibat-ibang sektor para paigtingin ang paglaban sa COVID-19.
Sa Maynila, nasa 75 vaccination sites ang binuksan kabilang ang tatlong malalaking malls, eskwelahan, community health centers at iba.
Ang national vaccination day at magtatapos sa December 1, 2021.
(Jocelyn Domenden)
Leave a Reply