UK at Australia, kinumpirma ang tig-2 kaso ng Omicron strain
Spread the news on:

Kinumpirma ng Britanya at Australia ang unang dalawang kaso ng bagong Omicron strain ng coronavirus o B.1.1.529 sa kani-kanilang bansa.

Sa UK, ang dalawang kasong naitala ay may kaugnayan sa pagbiyahe mula Southern Africa.

“After overnight genome sequencing, the UK Health Security Agency has confirmed that two cases of COVID-19 with mutations consistent with B.1.1.529 (Omicron) have been identified in the UK,” pahayag ng pamahalaan.

“The two cases are linked and there is a link to travel to southern Africa,” dagdag pa nito.

Natuklasan ang isang kaso sa central English City ng Nottingham habang ang isa pa ay sa Chelmsford sa silangan ng London, ayon sa mga opisyal.

“We have moved rapidly and the individuals are self-isolating while contact tracing is ongoing,” giit ni Health Secretary Sajid Javid.

Idinagdag din niya na inilalagay na ang apat pang bansa sa Africa sa “red list” — Malawi, Mozambique, Zambia at Angola — simula alas-4 ng umaga (0400 GMT), Linggo.

Inanunsyo na ng Britanya na pagbabawalan nito ang biyahero mula sa anim na southern African nations sanhi ng Omicron.

Ito ay ang mula sa mga bansang South Africa, Namibia, Lesotho, Eswatini, Zimbabwe at Botswana.

“This is a stark reminder that we are not yet out of this pandemic. We will not hesitate to take further action if required,” sabi pa ni Javid at hinikayat ang publiko na magpabakuna ng booster shot laban sa virus.

Samantala, inanunsyo rin ng Health officials sa Australia ang unang kaso ng Omicron strain na na-detect mula sa 2 pasaherong galing Southern Africa na pumunta sa Sydney.

Sinabi pa ng health authority sa Australia na agad itong nagsagawa ng urgent genomic testing at nakumpirma na ang 2 bagong strain ng Covid-19 ay na-detect sa nasabing mga pasahero.

Ang mga pasahero ay parehong galing sa Southern Africa at dumating sa Australia sakay ng Qatar Airways flight via Doha, ayon pa sa New South Wales (NSW) Health.

Nagpositibo sa Covid-19 ang dalawang pasahero pagdating sa Australia, kaya agad nagsagawa ng urgent analysis para sa posibleng infection sanhi ng Omicron strain.

“The two positive cases, who were asymptomatic, are in isolation in the special health accommodation. Both people are fully vaccinated,” ayon pa NSW Health.

Ang iba pang 12 pasahero ng nasabing flight mula sa Southern Africa ay nagegatibo naman sa Covid-19 pero inilagay pa rin sa quarantine.

Pinag-isolate na rin ang nasa 260 passengers at crew ng eroplano, ayon pa sa health authority ng Australia.

(NP/Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.