SWS: 45% pamilyang Pilipino, itinuturing ang sarili bilang mahirap
Spread the news on:

(File )

Mas kakaunting pamilyang Pilipino ang nagtuturing sa kanilang sarili bilang mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Base sa SWS survey na isinagawa noong September, 45 percent na lang o 11.4 million ang nagsasabing sila ay mahirap kumpara noong June SWS survey na nasa 48 percent o 12million ang itinuturing ang sarili na mahirap.

“The National Social Weather Survey of September 12-16, 2021, found 45% of Filipino families rating themselves as Mahirap or Poor, 34% rating themselves as Borderline Poor (by placing themselves on the horizontal line dividing Poor and Not Poor), and 21% rating themselves as Hindi Mahirap or Not Poor,” ayon sa inilabas na survey result ng Social Weather Stations nitong Nov. 27.

“The estimated numbers of Self-Rated Poor families are 11.4 million in September 2021 and 12.0 million in June 2021,” ayon pa sa SWS kung saan isinagawa ang survey sa 1,200 adults.

Ayon pa sa SWS, kung titingnan ang numero kada rehiyon ang pinakamalaki ang pagbaba ng self-rated poor ay sa Visayas (70% hanggang 54%), na sinundan ng Metro Manila (43% hanggang 34%).

Nananatili sa Balance Luzon o mga lugar sa Luzon sa labas ng Metro Manila ang (38%) na pamilyang nagsasabing sila ay mahirap.

Nakita naman sa datos na pinakamarami sa nagsabing mahirap sila ay mula sa Visayas at Metro Manila.

 

Isinagawa ang survey noong September 12-16 at napansin din ang bilang ng self-rated poverty na tumaas sa Mindanao na pumalo sa 58% mula sa 51%.

Tumaas ang borderline ng bilang ng mahihirap sa lahat ng lugar — Metro Manila mula 19% hanggang 30%, Balance Luzon mula 28% hanggang 32%, Visayas mula 24% hanggang 42% — maliban sa Mindanao kung saan bumagsak ito sa 34% mula sa 42% noong June.

“Compared to June 2021, Not Poor hardly changed in all areas: it went from 7% to 4% in the Visayas, from 38% to 37% in Metro Manila, from 34% to 30% in Balance Luzon, and from 7% to 8% in Mindanao,” dagdag pa ng SWS.

Lumabas din sa survey na 1.7 milyon ang Newly Poor, 1.2 milyon ang Usually Poor at 8.2 milyon ang Always Poor.

Samantala, 30 porsyento naman ng pamilya ang nag-rate sa kanilang sarili bilang mahirap sa pagkain, habang 44% ang itinuring ang kanilang sarili na mahirap sa borderline food poor at 26% ang nagsabing hindi sila mahirap sa pagkain. Ngunit mayroon ding mga pamilya na lumipat sa pagiging hindi mahirap.

 

“Of the estimated 13.8 million Non-Poor families in September 2021, 3.5 million were Newly Non-Poor, 3.0 million were Usually Non-Poor, and 7.3 million were Always Non-Poor,” ayon pa sa SWS.

Sa survey noong June 2021, 32% ang naramdamang food-poor o mahirap sila sa pagkain, 38% ang naramdaman ang Borderline Food-Poor at 29% ang naramdamang hindi Food-Poor.

Samantala, kinilala ng Malacañang ang mga resulta ng Social Weather Stations (SWS) Third Quarter 2021 survey. Aniya, nakatutulong sa gobyerno ang mga survey upang mas mapaunlad pa ang mga programa at polisiya nito para sa bansa.

Naiulat kasi a naturang survey na bumaba ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabing sila ay mahirap. Mula 48% nitong Hunyo, bumaba ito sa 45% nitong September.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Sec. Karlo Nograles, ang pagbabakuna at pagbaba ng kaso ng COVID-19 ang magpapatuloy sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa, pagbaba ng bilang ng mga mahihirap, at pagbabalik sa trabaho ng mga Pilipino.

(NP/ Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.