Passage exercise, isinagawa ng Phil. Navy at Pakistan Navy sa Palawan
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Phil. Navy)

Nagsagawa ng passage exercise at iba pang naval drills ang BRP Jose Rizal ng Philippine Navy at ang PNS Tughril ng Pakistan Navy sa Matinloc Platform, El Nido, Palawan noong Biyernes, November 26.

Ayon sa Philippine Navy, ipinakita sa bilateral naval exercise na ito ang pangako ng Philippine Navy sa pagtataguyod ng kapayapaan, paggalang sa isa’t isa at katatagan sa buong Indo-Pacific region.

Ito rin anila ang isang testamento ng pagpapaunlad ng kaligtasan at seguridad para sa Hukbong pandagat ng Pilipinas.

Ibat-ibang naval exercise  ang isinagawa gaya ng semaphore exercise, flag hoisting exercise at simpleng maneuvers upang subukan ang parehong kakayahan ng mga barko sa seamanship.

Pinarangalan ng Hukbong-dagat ng Pilipinas ang pinaka- advanced frigate ng Pakistan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng man the rail—isang nakagawiang tradisyon sa mga hukbong pandagat upang magpakita ng mga karangalan—bilang bahagi ng  mabuting pakikipagtulungan at matatag na ugnayan ng dalawang bansa.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.