Pagsusuot ng face shields, posibleng ibalik sa gitna ng pangamba sa Omicron variant ayon kay Sec. Galvez
Spread the news on:

(Photo Courtesy: PNA)

Posibleng muling ipatupad ng gobyerno ang pagsusuot ng face shields bilang dagdag proteksyon sa gitna ng banta ng Omicron coronavirus variant, ayon sa Nationall Task Force Against Covid-19 (NTF).

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ay titingnan nila ang posibilidad na pagbabalik ng face shield policy.

Matatandaang inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face shield sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng November.

“Some people from WHO (World Health Organization) also believe na kaya nagkaroon tayo ng magandang result dito sa Delta, as compared to others, is because of also the added protection of face shields,” pahayag ni Galvez sa press briefing.

Sinabi rin ni Galvez na pabor si Health Secretary Francisco Duque III na magpatupad ng pamamaraan na makatutulong para labanan ang coronavirus.

Sa ngayon, ang mga indibidwal na nasa lugar na nasa ilalim ng Alert Level 5 o granular lockdowns ang kailangang magsuot ng face shields.

Pero, ayon sa isang wind engineer sa University of the Philippines, ang face shields ay maaaring ma-trap ang viral airborne particles.

Ayon naman sa mga opisyal, wala pang natutukoy sa ngayon na kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.

Pansamantala namang sinuspinde ng gobyerno ang inbound flights mula sa South Africa, Botswana at sa mga bansang may kaso ng bagong variant para maiwasan itong makapasok ng bansa.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.