Mahigit 80M bakuna naiturok na sa Pilipinas; 35M fully vaccinated na
Spread the news on:

Umabot na sa 80,613,849 milyong anti-coronavirus jabs ang naiturok na ng gobyerno sa mga Pilipino simula nang umpisahan ang National Vaccination Program noong March 1, ayon sa National Task Force against COVID-19 ngayong Linggo.

Batay sa datos noong November 26 mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC), sinabi ng NTF na nasa 35,391,519 Pilipino ang fully vaccinated na.

Base pa sa NTF, kumakatawan ang 35,391,519 fully vaccinated na indibidwal sa 45.88 vaccine eligible population ng bansa.

Nito lamang Biyernes, November 26, ay nakapagbakuna na ng 1,010,869 COVID-19 vaccine doses ang gobyerno.

Nauna nang inanunsyo ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang kasalukuyang vaccination rate sa bansa ay maaari nang makapagbigay ng “sense of normalcy” sa mga Pilipino.

“As we move closer to hitting our target of fully vaccinating 54 million Filipinos by the end of the year, I appeal to our local government units to continue ramping up their vaccination throughout,” pahayag ni ni Galvez.

Ayon sa NTF, nasa 141,606,240 COVID-19 vaccine doses mula sa iba-ibang manufacturers ang dumating na sa bansa.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.