Extended quarantine period sa mga biyahero, ipinanukala ng isang eksperto sa gitna ng bagong COVID-19 variant
Spread the news on:

(File)

Hinimok ng isang eksperto ang gobyerno na palawigin pa ang quarantine period sa mga biyaherong darating sa bansa. Hinikayat din niya na i-ban ang flights sa mas maraming bansa dahil sa banta ng bago at sinasabing mas nakahahawang COVID-19 variant.

Ayon kay Dr. Tony Leachon, dating adviser to the government’s COVID-19 response, dapat na ikonsiderang ibalik ng gobyerno ang 14-day quarantine period sa mga biyahero para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant sa bansa.

“Dapat iyan repasuhin at ibalik sa mas mahigpit na quarantine kasi itong ganitong mga variant, nag-increase ang transmission nito,” pahayag ni Leachon sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo.

Sa ngayon ang mga biyahero sa “yellow list” countries na kumpletong bakunado laban sa COVID-19 ay sumasailam sa tatlong araw na facility-based quarantine pagdating sa Pilipinas.

Ang mga nasabing biyahero ay sasailalim naman sa COVID-19 test sa ikatlong araw kung saan ang araw ng kanilang pagdating ang unang araw.

Sila ay makalalabas ng quarantine facility matapos lumabas ang negatibong resulta ng RT-PCR test.

Dagdag pa ni Leachon, dapat iprayoridad ang banning ng mga biyahero mula Hong Kong matapos matukoy ang kaso ng Omicron variant.

Nauna rito, sinabi ng isang opisyal ng health department na pinag-iisipan na ng gobyerno ang posibilidad na pagbabawal sa mga biyahero mula Hong Kong.

Una nang sinuspinde ng bansa ang flights mula South Africa kung saan unang natukoy ang bagong variant.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.