Binatang binaril ng pulis dahil wala umanong suot na face mask, nailibing na
Spread the news on:

Nailibing na si Abelardo Vasquez III o Abel, ang binatang binaril ng pulis sa Bacolor, Pampanga dahil sa wala umanong suot na face mask at sa pag-iingay.

Nabaril si Abel ni Police Cpl. Alvin Pastorin, isang intelligence officer sa Pampanga police matapos sitahin dahil sa pag-iingay at wala umanong suot na face mask ang biktima.

Samantala, bakas naman ang lungkot at pighati sa mga kaanak at kaibigan ni Abel.

“Walang Karapatan na barilin ‘yung kapatid ko,” pahayag ni John Michael Velasquez, kapatid ni Abel.

Hustisya ang sigaw ng pamilya ni Abel.

“Sana mabigyan na katarungan ang pamangkin ko. Sana pakinggan ng gobyerno ang nangyari sa pamangkin ko na ito. Sana mabigyan siya ng hustisya.‘Wag nating hayaan na makawala ang nakagawa nito. Walang laban ang pamangkin ko,” pahayag ni Fe de Jesus, tiyahin ng biktima.

Ayon sa pamilya, kaga-graduate lang ni Abel sa Alternative Learning System at handa na sanang magtrabaho para matulungan ang kanyang pamilya.

Nakakulong na si Pastorin at nasampahan na ng kasong homicide.

Kasalukuyan na rin nagsasagawa ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR).

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.