Angkas, may libreng sakay sa mga healthcare worker simula Nov. 29 – Dec. 1
Spread the news on:

(Photo courtesy: Angkas page app)

Mag-aalok ng libreng sakay ang motorcycle ride-hailing service na Angkas sa mga healthcare worker papunta at pauwi galing sa vaccination sites sa gaganaping National Vaccination Day mula November 29 hanggang December 1.

Ito ang sinabi ni Angkas co-founder at chief transport advocate George Royeca sa CNN Philippines na libre ang alok na ito sa mga medical frontliners na naka-base sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Metro Cebu.

Dagdag pa ni Royeca, maaaring bumisita ang interesadong healthcare worker sa Facebook page ng Angkas, kung saan maaari silang magsagot ng link upang mapabilang ang kanilang pangalan sa listahan ng Angkas app.

Makatatanggap naman ng promo code at text message ang healthcare worker upang malaman kung pasok siya sa free ride.

Tinitingnan din ng Angkas na palawigin ang libreng sakay sa mga medical frontliners, dagdag pa ni Royeca.

Target naman ng pamahalaan na makapagturok ng siyam na milyong doses ng COVID-19 vaccine sa tatlong araw na vaccination drive upang makumpleto ang target nito na 54 milyong fully vaccinated na Pilipino sa pagtatapos ng taon.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.