838 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 28
Spread the news on:

Naitala ng Department of Health ang pinakamababang bilang ng Covid-19 cases sa bansa sa nakalipas na 11 buwan.

Ngayong November 28, nakapagtala ang DOH ng 838 na karagdagang kaso ng Covid-19.

Ito na ang pinakamababang kaso simula noong December 28 nang isang taon kung saan may naitalang 766 na infection.

Ito na rin ang ika-limang magkakasunod na araw na mas mababa sa isang libo ang kaso ng Covid-19.

Dahil dyan ay umakyat na rin ang kabuuang kaso sa 2,831,807.

Bagamat patuloy na bumababa ang mga kaso ng nagkakasakit, nananatiling mataas pa rin ang bilang ng namamatay na nasa three-digits pa rin sa loob ng labindalawang magkakasunod na araw.

Ayon pa sa DOH, mayroong naitalang 1,217 na gumaling at 156 na pumanaw ngayong araw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (16,630) ang aktibong kaso, 97.7% (2,766,816) na ang gumaling, at 1.71% (48,361) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 26, 2021 habang lahat ng laboratoryo ay nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.