75 vaccination sites bubuksan sa Maynila para sa National Vaccination Day 
Spread the news on:

(File)

Magbubukas ng 75 vaccination sites ang pamahalaang lungsod ng Maynila para sa 3-day National Vaccination Day.

Sabay-sabay ang pagbabakuna ng first, second at booster shots sa lahat ng priority groups kabilang ang general population ng minors sa Nov. 29 hanggang Dec.1.

Pinaalalahanan naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Presidential aspirant ng Aksyon Demokratiko ang publiko na sumunod sa minimum public health protocols sa vaccination sites sa lahat ng oras.

Kabilang sa bubuksang vaccination sites sa Maynila ang 44 district health centers, 18 community school sites, 6 district hospital sa Maynila, 3  eskwelahan sa Maynila kabilang ang Manila Cathedral School, Holy Child Catholic School at La Consolation College Manila.

Kasama rin sa gagawing vaccination sites ang apat na mall tulad ng SM San Lazaro, SM Manila, Robinsons Place Manila at Lucky Chinatown.

Paalala ni Domagoso, magrehistro sa manilacovid19vaccine.ph at ipakita ang QR Code para sa  verification purposes sa mga vaccination sites kapag magpapabakuna.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.