13th month at December 2021 pensions, matatangap na ng milyong SSS pensioners sa Dec.1 hanggang 4
Spread the news on:

Matatanggap na ng mga Social Security System (SSS) pensioner ang kanilang 13th month at December 2021 pensions sa unang linggo ng Disyembre.

Sinabi ni SSS President at CEO Aurora Ignacio na nakipag-ugnayan na sila sa kanilang mga partner banks na ipasok na ang mga pensyon sa takdang petsa para matanggap na ng milyong-milyong pensyonado ang kanilang pensyon.

“We have coordinated with our partner banks to credit the cpensions on given dates during the first week of December so that our pensioners can receive and use them in time for the holiday season,” pahayag ni Ignacio.

May kabuuang P27.5 bilyon aniya ang ire-release na halaga ng SSS para sa 13th month at pension ng 3.14 milyong pensyonado.

Mula Dec. 1 hanggang 4 naman itinakda ang pag-release ng pensyon para sa pensiyonado na gumagamit ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESOnet), mga bangko o e-wallets at  remittance transfer companies o cash payout outlets.

Sa December 1, 2021 itinakda ang pagbibigay naman ng pensyon kung ang date ng contingency ay mula sa una hanggang 15th ng buwan.

December 4 naman kung ang date of contingency ay mula sa ika-16 hanggang huling araw ng buwan o nakapag-avail ng advance 18-month pension.

“For those whose pensions were suspended due to previous non-compliance with the Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) but whose accrued pensions are now for resumption, they will receive the said pensions on the 16th day of the month (if with PESONet participating bank disbursement account) or on their date of contingency (if with non-PESONet participating bank disbursement account),” pahayag pa ng SSS.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.