Vaccine manufacturers kumikilos na laban sa COVID-19 Omicron variant
Spread the news on:

Kumikilos na ang major manufacturers ng COVID-19 vaccines para matugunan ng kanilang mga bakuna ang Omicron variant.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Omicron ay “variant of concern” na mataas ang risk ng reinfection kumpara sa naunang mutations ng virus.

Naghayag na ang US pharmaceutical company na Moderna na gagawa sila ng COVID-19 booster shot laban sa Omicron variant.

“The mutations in the Omicron variant are concerning and for several days, we have been moving as fast as possible to execute our strategy to address this variant,” pahayag ni Moderna CEO Stephane Bancel.

Sinabi naman ng  Pfizer-BioNtech na kanila nang sinisiyasat ang Omicron at ilalabas ang resulta ng lab tests sa loob ng dalawang lingo.

“These data will provide more information about whether B.1.1.529 could be an escape variant that may require an adjustment of our vaccine if the variant spreads globally,” pahayag ng Pfizer-BioNtech.

Ayon sa Pfizer-BioNtech maaaring maka-adapt ang kanilang mRNA vaccine sa loob ng anim na linggo at sisimulan ang pagpapadala ng batches sa loob ng 100 araw.

Sinimulan na rin ng Johnson & Johnson ang testing ng kanilang bakuna laban sa Omicron variant.

Ayon naman sa AstraZeneca, nagsasagawa na sila ng research sa mga lugar kung saan natukoy ang bagong variant.

Ang variant na natukoy sa South Africa ay may 50 mutations.

Samantala, hindi pa malinaw kung ano ang epekto ng Omicron variant sa mga bakunadong indibidwal.

(NP; with report from Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.