Target sa national vaccination day, binabaan dahil sa syringe shortage
Spread the news on:

Ibinaba sa 9 milyon mula sa target na 15 milyon ang babakunahan sa tatlong araw na vaccination drive ng gobyerno simula sa Lunes, Nov. 29, dahil sa kakulangan ng syringe.

Ayon sa pahayag ng National task Force (NTF) against COVID-19 at National Vaccination Operations Center, naantala ang shipment ng syringe na binili sa pamamagitan ng UNICEF dahil sa global shortage.

“As we are finalizing the preparations for this massive movement across the 16 regions outside Metro Manila, there is currently a shortage in ancillary supplies, particularly syringes for the Pfizer-BioNtech vaccines and other logistical challenges,” nakasaad sa pahayag.

Sa kabila nito, layon pa rin ng gobyerno na makapagbakuna ng 3 milyon kada araw simula sa Nov. 29 hanggang Dec. 1.

Nakatuon din ang tatlong araw na bakunahan sa pagtuturok ng first doses at booster shots.

Hanggang nitong Huwebes, Nov. 25, halos 35 milyon indibidwal na ang fully vaccinated.

Ito ay nasa 45.3 porsyento ng target na 77.1 milyon habang pumalo naman sa 45.5 milyon indibidwal ang nakatanggap ng unang dose laban sa COVID-19.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.