South Africa, Namibia, Zimbabwe, tinanggal sa green list countries ng Pilipinas
Spread the news on:

(Photo courtesy: PNA)

Tinanggal na sa green list ng Pilipinas ang mga bansang South Africa, Namibia at Zimbabwe.

Inanunsyo ito ni Cabinet Secretary and acting Palace spokesperson Karlo Nograles matapos na makasama ang tatlong bansa sa pinatawan ng travel restriction bunsod ng Omicron COVID -19 variant.

“This is to clarify that the Inter-Agency Task Force’s (IATF) temporary suspension of inbound international flights from South Africa, Namibia and Zimbabwe contained in IATF Resolution 150, supersedes the earlier Green List classification of the three abovementioned countries in IATF Resolution 148-A,” pahayag ni Nograles.

Sa ulat, mula ngayon, Sabado, Nov. 27, hanggang December 15 tatagal ang travel ban sa tatlong bansa kabilang din ang Lesotho, Eswatini, Mozambique at Botswana.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.