DTI: Noche Buena products hindi tumaas ang presyo
Spread the news on:

(Photo courtesy: PNA)

Inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang listahan ng suggested retail prices (SRPs) ng mga produktong pang-Noche Buena.

Kabilang sa SRP guide ang ham, keso de bola, cheese, sandwich spread, mayonnaise, spaghetti noodles, elbow at salad macaron, spaghetti sauce, tomato sauce at all-purpose cream.

(Courtesy: DTI)

“The DTI thanks the manufacturers for heeding the call not to increase prices demonstrating their sense of solidarity with our consumers this Christmas despite the COVID-19 pandemic,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez.

“Our efforts to safely reopen the economy to bring back more jobs while keeping prices relatively stable will make the Christmas season merrier,” dagdag pa ni Lopez.

Siniguro naman ng Consumer Protection Group (CPG) ng DTI ang supply availability at price stability ng Noche Buena items para sa publiko.

Sinabi ng DTI na 110 product variants ang hindi binago ang presyo habang 20 naman ang nagbaba ng kanilang presyo.

“To avoid panic buying and ensure value for money, the public is advised to create a shopping list and refer to the Noche Buena SRP bulletin before visiting their preferred supermarket,” pahayag ng DTI.

Pinaalalahanan din ng Trade Department ang mga mamimili na sumunod sa health protocols kagaya ng pagsusuot ng face masks at pagsunod sa physical distancing.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.