DepEd itinutulak ang pay hike para sa mga guro sa 2022 elections
Spread the news on:

(File photo)

Itinutulak pa rin ng Department of Education (DepEd) ang karagdagang P2,000 honoraria ng mga guro na magsisilbi sa 2022 elections dahil sa mas mahabang oras ng botohan.

Sa pahayag ng DepEd, bagamat inaprubahan ng Commissin on Elections (Comelec) ang dagdag na suweldo ay mababa pa rin ito sa imunungkahing kabayaran ng kagawaran.

Ang inaprubahang honoraria ng Comelec ay ang sumusunod:

  • Chairperson of Electoral Board (EB) – P7,000
  • Members of EB – P6,000
  • DepEd Supervisor Official (DESO) – P5,000
  • Support Staff – P3,000
  • Medical personnel – P3,000

Ito ang hiling ng DepEd na inihain noong June 2021:

  • Chairperson of Electoral Board (EB) – P9,000
  • Members of EB – P8,000
  • DepEd Supervisor Official (DESO) – P7,000
  • Support Staff – P5,000

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones makikipag-usap sila sa Comelec.

“Although it is less than our proposed increase for our teachers who will serve as poll workers, we appreciate the adjusted rates and we will coordinate with Comelec for possible increase of the honoraria and other allowances and benefits,” pahayag ni Briones.

Humiling din ang DepEd ng insurance coverage para sa mga gurong naka-duty sa araw ng halalan sakaling may maapektuhan ng COVID-19.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.