Buong mundo naka high alert para mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID variant
Spread the news on:

High alert ang buong mundo matapos matukoy ang panibagong variant na tinawag ng World Health Organizations (WHO) na omicron variant.

Ang bagong omicron variant ay inilagay sa “variant of concern” dahil sa mataas na bilang ng mutations kung saan nakita na dala nito ang mataas na antas ng impeksyon kaysa sa mga naunang variants.

Ibig sabihin nito ang mga indibdwal na nagkaroon ng COVID-19 na gumaling ay may posibilidad na muling mahawaan.

Dahil dito, may panibagong paghihigpit sa pagbiyahe sa mga bansang nasa southern Africa para mapigilan ang bagong variant ng COVID-19 na maaaring may kakayanan na labanan ang proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna.

Nagpataw na ng paghihigpit ang mga bansa kabilang ang Australia, Brazil, Canada, Iran, Japan, Thailand, United States, mga bansa sa European Union at United Kingdom sa southern African countries bilang pagtugon sa babala sa transmissibility ng bagong variant.

Sa kabila ng pagsasara ng mga flight, may mga ebidensyang kumalat na ang variant.

May mga naulat  na kaso sa Belgium, Israel, Hong Kong at Germany.

Sinusuri naman ng Dutch authorities ang new variant matapos magpositibo sa COVID-19 ang 61 pasahero ng dalawang flights mula South Africa.

Naka-isolate na ang mga nasabing pasahero na dumating sa Netherlands mula Johannesburg at Cape Town.

Ayon naman sa isang German official na may “very high probability” na ang omicron variant ay nakarating na sa kanilang bansa.

Sa tweet ni Kai Klose, health minister ng Hesse State kung saan kabilang ang Frankfurt na “several mutations typical of omicron” ang natukoy nitong Biyernes ng gabi sa isang returning traveler mula sa South Africa.

Sa ulat, mababa pa sa anim na porsyento ng tao sa Africa ang fully immunized laban sa COVID-19.

Nasa milyong health workers at vulnerable populations ang hindi pa nakatatanggap ng bakuna.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.