899 naitalang bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Nov. 27
Spread the news on:

Umabot na sa 2,831,177 ang kumpirmadong kaso ng mga nagkasakit sa bansa matapos makapagtala ng 899 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw.

May naitalang 1,667 na gumaling at 188 ang namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa nasa 17,052 (0.6%) ang aktibong kaso.

Nasa 2,765,920 (97.7%) na ang gumaling at 48,205 (1.70%) naman ang namatay.

Ang positivity rate ay nasa 2.4% base sa nakolektang samples mula sa 37,224 indibidwal noong Huwebes, Nov. 25.

Ito na ang ika-labinlimang magkakasunod na araw na ang positivity rate ay mababa sa 5 porsyentong benchmark na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Sa pinakabagong ulat ng DOH, may dalawang laboratoryo ang hindi operational noong November 25, 2021 at dalawang laboratoryo rin ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Patuloy naman na minomonitor ng gobyerno ang banta ng Omicron variant na natuklasan sa South Africa.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.