Kaso ng pagpatay ng pulis sa 19-anyos sa Pampanga, iimbestigahan ng CHR
Spread the news on:

Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng kanilang imbestigasyon sa pagpanaw ng 19 anyos sa Bacolor, Pampanga na binaril ng pulis.

Sa ulat, kinilala ang biktimang si Abelardo Vasquez, 19 na nasawi nitong November 20 nang barilin ni Police Corporal Alvin Pastorin, intel officer ng Pampanga Police Provincial Office.

“The Commission on Human Rights is launching a motu proprio investigation into the death of a teenager, who was said to have been shot by a police officer last 20 November following an altercation,” saad ni Atty. Jacqueline Ann de Guia, CHR spokesperson.

“Pending the results of the investigation, we continue to urge our law enforcers to always exercise maximum tolerance and patience in dealing with situations of peace and order,” paliwanag pa ni de Guia.

“Use of excessive force which is unwarranted and not proportional to the violation committed is prohibited by the PNP operational procedures and must be dealt with accordingly,” dagdag pa niya.

Samantala, nahaharap naman si Pastorin sa kasong homicide at kasalukuyang nakapiit sa Bacolor Municipal Police Station.

Matatandaang sinita umano ni Pastorin ang biktima at kasama niya dahil walang suot na face mask habang nasa labas ng bahay.

Nagkaroon ng komosyon sa pagitan ng tiyo ni Vasquez na naging mitsya ng pagpapaputok ng baril ng pulis.

Samantala, iba naman ang idinetalye ng saksi dahil matapos umano ng pagsita ni Pastorin ay pinagbabato umano ng grupo ni Vasquez ang sasakyan ng pulis kaya bumunot ng baril.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.