Jisoo, Jennie at Rose ng BLACKPINK, negatibo sa COVID-19, ayon sa YG Entertainment
Spread the news on:

Matapos kumpirmahin ng YG Entertainment na nagpositibo sa COVID-19 si Lisa ng KPop supergroup BLACKPINK, negatibo naman ang tatlo pang miyembro na sina Jisoo, Jennie at Rose.

“Following their real-time RT-PCR tests, BLACKPINK’s Jisoo, Rosé, and Jennie have received negative confirmed results. Lisa was informed of her confirmed diagnosis on November 24 ahead of plans to film video content. Lisa’s health is in good state, and she did not exhibit any special symptoms,” ayon sa pahayag ng YG, ang management company ng grupo.

Siniguro rin ng YG Entertainment na lahat ng BLACKPINK members ay fully-vaccinated na sa COVID-19 at laging sinusunod ang mga health at safety precautions kontra sa sakit.

Ipinapanalangin din ng YG ang agad na paggaling ni Lisa.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.