95 porsyento ng empleyado sa dive establishments, fully vaccinated na
Spread the news on:

(Photo courtesy: PADI)

95 porsyento ng emplyado ng dive establishments sa bansa ay kumpletong bakunado na laban sa COVID-19, ayon sa Department of Tourism (DoT).

Base sa datos ng Philippine Commission on Sports Scuba Diving, mula 1,401 empleyado nasa 1,342 na ang nakatanggap ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat, ang mga hindi pa nakatanggap ng bakuna ay buntis, may comorbidities, o nag-aalinlangan na magpabakuna.

“The DOT shall continue to work with other national and local government agencies as well as our stakeholders in private sector to vaccinate all tourism workers in the country as soon as possible,” pahayag ni Puyat.

Matatandaan na mula 2019, ang Pilipinas ay kinilala sa World Travel Awards bilang Asia’s leading dive destination.

“With our recent win as Asia’s leading dive destination at the 28th World Travel Awards (WTA) last October, we anticipate a good volume of foreign tourist returning to our dive posts in the coming months,” dagdag pa ni Puyat.

Muling binuksan ng Pilipinas ang borders sa mga dayuhang biyahero.

Sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang mga dayuhang biyahero na fully vaccinated ay kailangan magpakita ng negative RT-PCR test na kinuha 72 oras bago ang kanilang biyahe.

Hindi na rin sila sasailalim sa quarantine-based facility o at hindi na kailangang kumuha ng panibagong RT-PCR test pagdating ng bansa.

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.