BRP Sierra Madre ng Pilipinas, pinaaalis ng China sa Ayungin Shoal
Spread the news on:

Pinaaalis ng China ang BRP Sierra Madre ng Pilipinas sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.

Ito ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian matapos maiulat na may Chinese troops na lumapit sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng resupply mission.

“The China coast guard ship patrolled and performed its duty in the water area in accordance with law and monitored from start to end the Philippine side’s supply delivery activities,” ayon kay Zhao.

Naunang inireklamo ni Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana ang “intimidation and harassment” ng tropa ng China habang isinasagawa ang resupply mission.

Muling iginiit ni Zhao na ang Ayungin Shoal, na kilalang Ren’ai Jiao sa China, ay parte ng kanilang Nansha Qundao o Spratly Islands, na kaparehas na inaangkin ng Pilipinas.

“Ren’ai Jiao is part of China’s Nansha Qundao. China demands that the Philippine side honor its commitment and remove its grounded vessel on Ren’ai Jiao. This position remains unchanged. This delivery of food and other supplies is a provisional, special arrangement out of humanitarian considerations,” sabi pa ni Zhao.

Matatandaang noong isang linggo ay kinondena ng Pilipinas ang ginawang pagharang at pagbomba ng water canon ng barko ng China sa dalawang supply boats ng bansa habang papunta sa Ayungin Shoal.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.