27 migrants nalunod matapos tumaob ang bangka sa English Channel
Spread the news on:

Hindi bababa sa 27 migrants ang patay matapos tumaob ang kanilang bangka sa English Channel, malapit sa northern France, Miyerkules.

Ayon sa French regional authorities, ito ang pinakamalalang aksidente sa lugar.

Ang English Channel ay bahagi ng Atlantic Ocean sa pagitan ng France at England. Sa kabila ng panganib sa karagatan, karaniwang tinatawid ito ng mga migranteng nais makapasok sa United Kingdom.

Ayon kay French Interior Minister Gérald Darmanin, kabilang sa nasawi ay limang babae at isang batang babae. Isang tao ang nawawala pa rin, at dalawa ang nailigtas.

Sa ulat ng Agence France-Presse, apat na traffickers ang hinihinalang sangkot sa pagpupuslit sa mga migranteng ito sa peligrosong biyahe sa English Channel.

“To the families of the victims, to their loved ones, I want to express my compassion and the unconditional support of France,” ayon kay French President Emmanuel Macron.

“I assure them that everything will be done to find and condemn those responsible, networks of smugglers who exploit misery and distress, endanger human lives and ultimately decimate families,” dagdag ng French president.

Human smuggling

Ayon kay Macron, simula 2021, nabuwag na ng mga awtoridad ang 1,552 smugglers at 44 smuggling networks, sa pakikipag-ugnayan ng France at United Kingdom.

“This disaster underscores how dangerous it is to cross the Channel in this way. And it also shows how vital it is that we now step up our efforts to break the business model of the gangsters who are sending people to sea in this way… so that we distinguish between people who come here legally, and people who come here illegally,” ayon naman kay UK Prime Minister Boris Johnson.

Ayon sa PA Media news agency ng Britain, umabot na sa  25,700 katao ang tumawid ng English Channel ngayong taon sakay ng maliliit na bangka. Triple ang bilang na ito kumpara noong 2020.

(PSH-NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.