LRT-1, magkakaroon ng tatlong araw na tigil-operasyon
Spread the news on:

(Photo courtesy: Light Rail Manila Corporation FB)

Pansamantalang matitigil ang operasyon ng Light Rail Transit-Line 1 (LRT1) sa magkakahiwalay na tatlong araw nitong November 2021 at January 2022, ayon sa Light Rail Manila Corporation (LRMC).

Base sa anunsyo, ikakasa ang temporary suspension sa November 28, 2021, January 23 at 30, 2022.

Ang dahilan nito ay para sa gagawing test runs at trial runs ng bagong signaling system.

“The migration to the new signaling system underscores LRMC’s commitment in modernizing the LRT-1 and delivering better service to our customers. We would like to request the understanding of our passengers for this temporary inconvenience and would like to assure them that this will be beneficial in the long-run,” pahayag ni Enrico R. Benipayo, LRMC chief operating officer.

Ang signalling system ang magdidirekta sa railway traffic.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.