Presyo ng karneng baboy at manok, tumaas na sa NCR
Spread the news on:

Kasabay ng papalapit na holiday season ay nagtaasan na ang presyo ng mga karneng baboy at manok sa National Capital Region.

Sa Litex Market sa Quezon City, pumapatak na ang kada kilo ng kasim pigue sa P310 habang P340 per kilo na ang liempo.

Aabot na sa P160 per kilo ang buong manok, habang nasa P180 kada kilo ang piling parte.

Sa Marikina Public Market naman umabot na sa P320 hanggang P330 ang kilo ng kasim pigue habang ang liempo ay binebenta ng P370 hanggang P390 kada kilo.

Ang buong manok ay nasa P180 ang bentahan at ang choice cuts ay papatak na sa P200 kada kilo.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, ang nasabing pagtaas sa mga presyo ng karne ay bunsod ng pagtaas sa production cost.

“Sa supply wala, ‘yong food ingredient talagang tumaas at tsaka ‘yong itong fuel price ‘di ba mataas pa rin,” pahayag ni So.

Sinabi naman ng Department of Agriculture na ang kakulangan sa suplay ng karne ng baboy ay dahil sa African swine fever.

“Ang mahal ‘yong fresh dahil nga may kakulangan pa rin tayo sa baboy dahil nga sa ASF pero ngayon pa lang tayo makaka-recover at ang isa pang nakakadagdag ‘yong demand kasi holiday season eh,” pahayag ni Agriculture assistant secretary Noel Reyes.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.