Pilipinas, muling nagpadala ng resupply mission sa Ayungin shoal; China, nangako umanong hindi ito haharangin sa isang kundisyon
Spread the news on:

Naglayag ngayong araw, Nov. 22, ang resupply vessels ng Pilipinas papuntang Ayungin shoal sa Wes Philippine Sea para magdala ng supply sa mga sundalong nakahimpil sa BRP Sierra Madre.

Ito ay halos isang linggo makaraang mapilitan ang resupply mission na umatras matapos harangin at bombahin ng tubig ng Chinese coast guard.

“The resupply ships left this morning Oyster Bay in Palawan and will reach (BRP) Sierra Madre tomorrow (Tuesday) morning,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Sa pagkakataong ito, ayon kay Lorenzana, tiniyak ni Chinese ambassador Huan Xilian na hindi na mauulit ang nangyari noon nakaraang linggo.

“Pero pakiusap nila walang escort,” dagdag ni Lorenzana.

Paniniyak naman ni Lorenzana na nakatutok sa komunikasyon ang militar sa resupply crew para monitor ang misyon.

Magpapalipad din ng Navy plane ang Pilipinas oras na makarating sa Ayungin ang resupply vessels.

Noong Huwebes, mariing kinondena ng Pilipinas ang ginawang pagharang ng Chinese coast guard sa resupply mission ng Pilipinas at sinabing walang karapatan ang China na gawin iyon dahil sakop pa ng teritoryo ng Pilipinas ang lugar.

Sagot naman ng China, Pilipinas ang trespassing.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.