Nagpakalat ng “fake news” laban kay Sen. Drilon, inaresto ng NBI
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Screengrab Manuel “Boy” Mejorada FB)

Inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dating opisyal ng Iloilo Provincial Office kaugnay ng Cyberlibel case na isinampa ni Senador Franklin Drilon.

Kinilala ng NBI-Iloilo City ang nasabing opisyal na si Manuel “Boy” Mejorada, ang  dating Iloilo provincial administrator .

Inaresto si Mejorada sa kanyang bahay sa IloIlo City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pasay City Regional Trial Court Branch 118.

Ayon sa NBI, napatunayang ng korte na guilty ang akusado noong 2017 at hinatulang makulong ng dalawa hanggang apat na taon.

Sa impormasyon, ang Cyberlibel case ni Mejorada ay kaugnay sa inilathala nito sa social media at kolum sa diyaryo kung saan inaakusahan ang senador na sangkot sa mga maanomalyang proyekto sa Iloilo City.

Nangyari ang nasabing akusasyon noong senate president pa si Drilon sa ilalim ng administrasyon ng namapayapang si dating Pangulong Benigno Aquino III.

Kabilang sa mga tinutukoy na proyekto ay ang Iloilo Convention Center at ang Iloilo Circumferential Road.

Nagawa namang umapela  ni Mejorada  sa Court of Appeals ngunit pinagtibay nito ang desisyon ng mababang korte noong 2018.

Pinagtibay  rin ng Supreme Court ang desisyon ng Pasay RTC noong 2019.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.