May rollback ulit sa presyo ng produktong petrolyo bukas, Nov. 23
Spread the news on:

Muling mababawasan ang presyo ng produktong petrolyo simula bukas, Martes, Nov. 23, ayon sa mga oil company.

Nabawasan ng P1.20 kada litro ang diesel, natapyasan naman ng P0.85 kada litro ang gasolina at bawas-singil ng P1.30 kada litro sa kerosene.

Ito na ang ikatlong linggong sunud-sunod na may bawas-singil sa mga nasabing produkto matapos ang mahigit dalawang buwan serye ng dagdag-singil.

Dahil dito, may kabuuang P1.80 kada litro ang ibinaba sa presyo ng diesel, nasa P2.75 kada litro naman sa gasolina at P2.05 kada litro sa Kerosene.

Mamayang 12:01 a.m. ipatutupad ng Caltex ang bagong presyo sa produktong petrolyo.

Ang Shell Pilipinas, Unioil, PTT Philippines, Total Philippines Corporartion, Seaoil, PetroGazz ay 6:00 a.m. magpapatupad.

Habang 8:01 naman ipatutupad ng Cleanfuel ang oil price rollback.

Ayon sa oil industry experts, ang global oil prices ngayon ay under pressure kung saan mataas ang supply at mahina ang demand.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.