DOLE: Mga pinauwing OFW, pababalikin na sa UAE
Spread the news on:

(File)

Muling binuksan ng United Arab Emirates ang kanilang bansa para sa mga pandemic-displaced OFWs at iba pang naghahanap ng trabaho.

Ito ang inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Linggo, November 21.

Sinabi ni Labor Attaché John Rio Bautista ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai na ang Dubai Duty Free shops ay kukuning muli ang pinauwing 600 laid off OFWs dahil sa COVID-19 pandemic.

“During the pandemic, Dubai Duty Free needed to layoff some workers. But with the revival of the economy here, the management reached out to us and we have a special facilitation for them,” dagdag pa niya.

“More than 600 Filipino workers will be coming back and their salary is competitive. Every week we process not less than 100 contracts for OFWs who will be rehired,” dagdag pa ng opisyal.

Bukod sa retail sector, mayroon ding mga employer na nagpahayag ng pagkuha ng Filipino health professionals, ani Bautista.

Nasa 8,000 job orders din para sa household service workers (HSWs) ang binuksan kung saan 6,000 pa lang dito ang nakararating sa Dubai.

“The initial implementation of the memorandum of understanding between the Philippines and UAE is really fruitful. The benefits for our HSWs, as instructed by President Duterte, is stated in the comprehensive employment contract. For instance, is the provision of the minimum wage amounting to 1,500 Dirhams [roughly P20,600],” ayon pa sa Labor Attaché.

Nagpaalala naman si DOLE Secretary Sylvestre Bello III sa mga nagnanais mangibang-bansa para magtrabaho na dumaan sa tamang proseso para maiwasan na maloko.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.