Quarantine facilities sa Maynila, zero patient na
Spread the news on:

(File)

Zero patient  na ang lahat ng quarantine facilities sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso, mayroong 870 bed capacity ang quarantine facilities pero “zero patient” na ito sa loob ng mga nakalipas na araw.

Sinabi ni Domagoso na hangga’t hindi natatapos ang holiday season ay walang plano ang pamahalaang lungsod na i-divert pa ang pasildad dahil sa pangambang tumaas muli ang kaso ng Covid-19 dahil hindi maiwasan ang mga pagtitipon.

Pinuri naman ng alkalde si Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department sa ilalim ni Dr. Poks Pangan at ang vaccinating teams ng lokal na pamahalaan dahil sa tagumpay na pagbibigay ng booster shots para sa 2,541 indibidwal na nabibilang sa A1 category o health frontliners.

Sinabi rin ni Moreno na walang COVID-19 related deaths ang naiulat noong Biyernes, November 19 kung saan 17 bagong impeksyon ang naitala.

Sinabi ng alkalde na nitong nakaraang dalawang buwan, ang lungsod ay nakapagtatala ng 200 cases kaya naman nagbabala ito na sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ay nanatili pa rin sa paligid ang coronavirus na nagdudulot ng pagkakahawahan na maaaring ikamatay.

Ang occupancy rate ng six city-run hospitals ay nasa 17 percent habang ang Manila COVID-19 Field Hospital ay 15 percent lamang ang nag-ookupa sa 344 bed capacity nito.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.