Isang pasahero ng tren, sugatan nang batuhin ang bagon ng MRT-3; suspek arestado
Spread the news on:

(Photo courtesy: Sec Arthur Tugade FB)

Sugatan ang isang 51-anyos na pasahero ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3) matapos tamaan ng inihagis na bato sa bagon ng tren patungong Magallanes kaninang umaga, ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade.

Naghayag ng pagkainis sa kanyang Facebook post si Tugade ukol sa nangyaring insidente. “Sana mahuli itong t**[email protected]@d0**gumawa nito! Mayroong nambato sa isang tren ng MRT-3 habang bumibiyahe papuntang Magallanes. Nabasag ang isang bintana ng bagon, at may isang pasaherong nasaktan,” saad ni Tugade sa kanyang Facebook post.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng MRT-3 management, isang basurero ang nambato sa tren.

Naaresto na ang suspek na nambato sa bagon ng MRT-3 ngayong hapon sa construction site na malapit sa isang hotel sa Taft Avenue.

samantala, ayon sa pamunuan ng MRT-3, ang biktima ay dinala na sa pagamutan at patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa naganap na insidente.

“The MRT-3 Manangement assures the public that appropriate legal charges will be filed against those involved in the incident. Necessary steps will also be taken to prevent similar incidents from happening in the future,” ayon pa sa pahayag ng MRT-3 management.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.