BOC: P2.5 bilyong halaga ng mga pekeng gamit, nasabat sa Pasay City
Spread the news on:

(Photo courtesy: BOC)

Aabot sa P2.5 bilyong halaga ng mga pekeng kagamitan ang nasabat ng Bureau of Customs sa  One Logistics Center, Taft Avenue Extension, Pasay City  noong Biyernes, November 19.

Ayon sa BOC, kabilang sa mga item na nasabat ay may tatak o brand na Christian Dior, Gucci, Channel, Louis Vuitton at Fendi at iba pa.

Ayon sa BOC, nagsagawa ng inspeksyon ang BoC Intelligence Group (IG), Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division (CIIS-IPRD) at BoC-Port of Manila (BoC-POM) upang malaman ang posibleng paglabag sa Intellectual Property Right (IPR) ng naturang mga pinaghihinalaang smuggled counterfeit goods. Ang inspeksyon ay sa pamamagitan ng bisa ng Letter of Authority mula kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Sa natuklasang mga kagamitan noong Biyernes, sinabi ng BOC na posibleng maharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863) ang mga mapatutunayang sangkot sa pag-import ng mga counterfeit goods.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.