Bigtime rollback sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo sa Nov. 23
Spread the news on:

Good news para sa mga kababayan nating motorista.

Muling magro-rollback ang presyo ng produktong petrolyo, ayon sa oil companies.

Ito na ang ikatlong linggo na may bawas-singil sa mga nasabing produkto.

Tinatayang nasa P1.20-P1.30 kada litro ang matatapyas sa presyo ng diesel.

Asahan naman na may P0.85-P1.10 kada litro ang bawas-singil sa gasoline.

Sa Kerosene naman ay may P1.30-P1.40 na bawas kada litro.

Bago ang rollback, mahigit dalawang buwan nang nagkakaroon ng dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa oil industry experts, ang global oil prices ngayon ay under pressure kung saan mataas ang supply at mahina ang demand.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.