Ang Probinsyano Party List (APPL), namahagi ng tulong sa Bicol
Spread the news on:

(Photo Courtesy: APPL; Nagpasalamat ang mga senior citizen sa Irosin, Sorsogon kay Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos para sa bills na ipinanukala niya sa kongreso)

 

Nakipag-dayalogo at namahagi ng tulong ang Ang Probinsyano Party List (APPL) sa Bicol kamakailan.

Kaya naman lalong silang napalapit sa puso ng mga Bicolano.

Ang sectoral visit ay kasabay ng DOLE TUPAD ng APPL at ng DSWD Education Assistance Orientation noong nakaraang November 17-19, 2021.

Ang 3-day visit ay pinangunahan ni Representative Alfred Delos Santos.

Sa unang araw ng kanilang aktibidad, ang unang probinsya na kanilang binisita ay ang Camarines Norte, kung saan mayroong 200 beneficiaries ang makatatanggap ng P4,650 na financial assistance sa loob ng dalawang linggo.

Ang DOLE TUPAD Orientation ay dinaluhan ng mga tricycle drivers, vendors at magsasaka mula sa10 barangay sa lalawigan.

Sunod na pinuntahan ng grupo ni Rep. Delos Santos ang pineapple plantation sa Basud, ang biggest producer ng pinya sa Camarines Norte.

Nakipag-usap si Delos Santos sa may 50 magsasaka. Ayon sa mga pineapple farmer, sa kabila ng pagkakaroon nila ng “sweetest variety” ng pinya sa bansa ay problemado naman sila sa kakulangan sa pataba para mapalaki ang kanilang produksyon.

Agad namang nag-pledge si Delos Santos ng P100,000 para matulungan ang mga pineapple farmer na makabili ng pataba.  Nakipag-coordinate din si Delos Santos sa TESDA para makapagbigay ng professional expertise sa mga magsasaka.

Pamamahagi pa rin ng DOLE-TUPAD Financial Assiatance Orientation ang ginawa ng APPL sa Bato, Nabua, at Bula, Camarines Sur para sa 150 beneficiaries.

Bukod sa tricycle drivers, vendors at farmers, kabilang din ang LGBT community sa mga beneficiary sa Cam Sur–partikular ang mga nagtatrabaho sa parlor.

Sa Bato, Camarines Sur naman, hindi pinalampas ng grupo ni Rep. Delos Santos ang pagbisita sa kilalang pagawaan ng Pancit Bato–ang sikat na pancit sa lugar.

Ayon sa may-ari ng factory na si Hazel Tañalas-Ebardoni, hanggang ngayon ay labor intensive pa rin ang paggawa nila ng Pancit Bato simula pa noong 1994.

Nangako naman si Delos Santos na tutulungan silang maikonekta sa DOST para matulungan sila na mai-improve ang kanilang produksyon.

Sa Day 3 ng aktibidad ng APPL, dinayo nila ang Irosin, Sorsogon.

Mayroong 256 Junior, Senior-High at College indigent students ang napili ng DSWD na dumalo sa DSWD Education Assistance Orientation ng Ang Probinsyano Party List.

Ang mga College students ay makakakuha ng P5,000 cash, samantalang ang Junior at Senior High School students naman ay makatatanggap ng P3,000 bawat isa.

May binitawan ring pangako si Rep. Delos Santos: “Hanggang nandito ang Ang Probinsyano Party List, taon-taon kaming babalik dito para tulungan kayong makatapos sa inyong pag-aaral”.

Kasabay ng Education Assistance Orientation para sa kabataang ng Irosin ay naroon din ang mga Senior Citizen Irosin.

Ibinahagi ni delos Santos ang ilang house bills na ipinanukala ng Ang Probinsyano List para sa  Senior Citizens.

Ang unang house bill ng APPL para sa seniors ay ang pag-amyenda sa  Centenarians Act of 2016, kung saan mula sa 100 years old ay maari nang mag-avail ng government cash gift ang mga 75 years old.

Bawat isa ring senior citizens na dumalo ay nabigyan ng grocery bag mula sa APPL.

Hindi naman naitago ni Rep. Delos Santos ang kanyang pagmamahal at malakasakit sa mga Bicolano: “Nagpapasalamat ako dahil sa lahat ng mga pinuntahan kong probinsya dito sa Bicol, napaka-init ng pagtanggap niyo sa Ang Probinsyano Party List. Lalo naming pagbubutihan ang paggawa ng mga batas na makakatulong sa bawa’t probinsyano. At para tugunan ang pangangailangan ng inyong mga probinsya, makakaasa kayong lagi namin kayong babalikan”.

(NP)

(Caption: Kinakausap ni Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos ang pineapple farmer sa  Basud, Camarines Norte)

 

(Caption: Kasama ni Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos ang mga tricycle drivers, vendors at farmers sa Nabua, Camarines sa DOLE-TUPAD Orientation)

 

(Caption: Tinitingnang mabuti ni Ang Probinsyano Party List Rep. Alfred Delos Santos  ang paggawa ng Pancit Bato sa pagbisita niya sa isang factory sa Bato, Camarines Sur)

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.