US Vice Pres Kamala Harris unang babaeng nabigyan ng temporary presidential powers
Spread the news on:

Si US Vice President Kamala Harris ang unang babaeng nabigyan ng temporary presidential powers sa Amerika.

Ito ay matapos isailalim sa anaesthesia si President Joe Biden para sa routine colonoscopy nitong Biyernes sa bisperas ng kanyang 79th birthday.

Si Harris ang tumayo bilang pangulo sa loob ng walumput-limang minuto habang isinasagawa ang medical procedure kay Biden.

Si Harris ang kauna-unahang babaeng naihalal bilang bise presidente sa Amerika.

Matapos ang medical procedure, nagbalik agad sa White House si Biden at sinabing mabuti ang kanyang pakiramdam. “I feel great,” ayon kay Biden.

“President Biden remains a healthy, vigorous, 78-year-old male, who is fit to successfully execute the duties of the president,” ayon sa doktor ng pangulo na si Kevin O’Connor.

Tinanggalan ng benign polyp si Biden sa colonoscopy procedure.

(PSH-NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.