Marcos, sinagot na ang Comelec ukol sa petisyong nagpapakansela ng kanyang kandidatura
Spread the news on:

Nagsumite na sa Commission on Elections (Comelec) ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos ng sagot sa inihaing petisyon na kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC).

Matatandaan nitong Nov. 2, ilang petitioners ang naghain ng cancellation ng COC ni Marcos dahil sa conviction sa tax evasion, bagay na iginiit ng petitioners ay nagdi-disqualify kay Marcos sa pagtakbo para sa 2022 elections.

Ayon sa petitioners, si Marcos ay nahatulan sa Regional Trial Court ng Quezon City noong July 27, 1995.

Lumabas sa desisyon ang ilang beses na pagkabigong maghain ng income tax returns.

Sagot naman ni Marcos, wala siyang ginawang misrepresentation sa kanyang kandidatura.

“It is relevant and the commission can take judicial notice that respondent had been previously elected to several elective positions in the government. The respondent has all the qualifications of a president under Section 2, Article 7 of the Constitution,” ayon pa sa kampo ni Marcos.

(NP; with report from Toni Tambong)

 

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.