Presidential bets sa alegasyon ni pangulong Duterte: Kasuhan ang cocaine user
Spread the news on:

Kasuhan ang tinutukoy ni Pangulong Duterte na presidential aspirant na umano’y gumagamit ng cocaine.

Ito ang reaksyon ng ilang mga tatakbo ring presidente sa 2022 elections.

Hinihimok nina Vice President Leni Robredo at ang labor leader na si Leody De Guzman na sampahan ng kaso ang presidential aspirant na umanoy sangkot sa droga.

“Kung mayroong ebidensiya kailangang kasuhan kasi ito ang nakasaad sa ating batas, hindi dapat ito dinadaan sa ganitong paraan,” pahayag ni Robredo.

Sinang-ayunan naman ng isa pang presidential aspirant, ang labor leader na si Leody De Guzman, ang sinabi ni Robredo at sinabing maaaring kilala ng pangulo ang supplier.

Dapat aniyang targetin ang ugat ng problema.

“Yan dapat ang pokusan para mahuliat matigil na…Kaysa i-tsismis lang, ipahuli na ang kandidatong ‘yan para ipa-rehab,” pahayag ni De Guzman.

“Sa dami ng kasalanan, ninakaw at pinatay ng pamilya niyan, malulong talaga sa droga ‘yan para takas an ang katitihanan,” dagdag pa ni De Guzman.

Panawagan din nina Robredo, De Guzman at senador Manny Pacquiao na magkaroon ng mandatory drug testing sa mga indibidwal na    nais magtarabaho sa gobyerno lalo na sa naghahangad na maging lider ng bansa.

“Mandatory drug test must be required for anyone who wants to work in government, elevtive or appointed… Lahat naman po ay may Karapatan na magbagong-buhay,” pahayag ni Pacquiao.

Dagdag pa ng Senador na handa siyang sumailalim sa drug test kahit anong oras at kahit saan.

Ayon naman kay Robredo, dapat magkaroon ng surprise drug testing ang mga presidential aspirants.

Samantala, itinanggi naman ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na siya ang pinatutungkulan ng pangulo dahil parehong mahirap ang kaniyang magulang.

“Yung nanay ko napakadisiplinaryan. Napakahigpit. Mamula lang mata ko noong araw may konyat na ako,” pahayag ni Domagoso.

Pabor din si mayor Isko na sumailalim sa drug test sa harap ng publiko at dapat din maging requirememt sa mga ihahalal na opisyal ng bansa.

Hindi naman nagbigay ng komento si Sen. Panifilo Lacson sa nagging pahayag ng pangulo.

Pero, ayon kay Lacson na siya ay “100 percent sure” na hindi siya ang tinutukoy ng pangulo.

Wala namang komento ang kampo ni Ferdinand Marcos Jr. sa sinabi ni Duterte, maliban sa alam umano niya na hindi siya ang pinatutukuyan ng pangulo.

Wala naman inilabas na pahayag si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa sinabi ng pangulong Duterte.

 

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.