Kampo ni Marcos Jr., kumpiyansang hindi siya ang tinukoy ni Pang. Duterte na durugistang presidential aspirant
Spread the news on:

Ipinagkibit-balikat lang ang kampo ni presidential aspirant Ferdinand Marcos Jr. sa patutsada ni Pang. Duterte na isang kandidato sa pagkapangulo ang nagdodroga at gamit ay cocaine.

Ayon kay Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita at chief of staff ni Marcos Jr., alam niyang hindi si Marcos ang pinatatamaan ng pangulo.

“We don’t feel alluded to [it],” sabi ni Atty. Rodriguez sa panayam ng DZRH TV.

Sa ngayon, ang focus umano nila ay ang kampanya para sa 2022 elections.

Nananatili rin umanong mataas ang respeto nila kay Duterte.

Matatandaang kahapon, binanggit ni Duterte ang tungkol sa isang presidential aspirant na umano’y nagdodroga.

Wala rin umanong nagawa ang hindi niya pinangalanang pulitiko kaya nagtataka siya kung bakit tila malakas ang suportang natatanggap nito.

Pero ang isang clue ng pangulo kung bakit ipinagpalagay ng ilan na si Marcos Jr. ang tinutukoy niya ay nang sabihing ang ama ng pulitiko ang may nagawa.

“Ang tatay—pero siya, anong ginawa niya? He might win hands down, okay. If that is what the Philippines wants, go ahead, basta alam ninyo,” ayon pa kay Duterte.

 

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.