China sa Ayungin shoal incident: Trespassing ang Pilipinas
Spread the news on:

Tumugon na ang Tsina sa insidente ng pagbomba nila ng tubig at pagharang sa dalawang supply boat ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Inakusahan ng China ang Pilipinas na “trespassing” sa inaangking bahagi ng karagatan.

“On the evening of November 16, two Philippine supply boats trespassed into waters near Ren’ai Jiao of China’s Nansha Qundao without China’s consent,” ayon kay Chinese Ministry spokesperson Zhao Lijian sa isang briefing nitong Huwebes.

“Chinese coast guard vessels performed official duties in accordance with law and upheld China’s territorial sovereignty and maritime order,” dagdag pa ni Zhao.

Sinabi rin ni Zhao na ang kapwa partido ay “in communication on this.”

Nauna nang iniulat ng Department of Foreign Affairs ang insidente sa Ayungin Shoal kung saan hindi pinadaan at binomba pa ng tubig ang dalawang bangka ng Pilipinas na magdedeliber lang sana ng suplay ng pagkain sa mga nagpapatrulyang tauhan ng Pinas sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.

Ang Ayungin shoal ay bahagi ng Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea at nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nauna nang binigyang diin ni foreign affairs secretary Teddy Locsin Jr. na walang “law enforcement rights” ang China sa lugar kaya hindi ito dapat umaasta nang ganoon.

Naghain na ang Pilipinas ng pormal na reklamo laban sa China dahil sa insidente.

 

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.