Cebu City Mayor Edgardo Labella, pumanaw na
Spread the news on:

(Photo courtesy: Mayor Edgardo Labella FB)

Pumanaw na si Cebu City Mayor Edgardo Labella sa edad na 70, ayon sa kapatid niyang si Elmer “Jojo” Labella.

Biyernes ng 3:15 a.m. nang yumao si Labella habang naka-confine sa Perpetual Succour Hospital.

Ayon sa anak ni Labella na si Jaypee, pumanaw ang kanyang ama dahil sa septic shock secondary to pneumonia.

Ilang beses nang naghain si Labella ng medical leave ngayong taon dahil sa kanyang kalusugan.

October nang maghain siya ng indefinite leave of absence bunsod na rin ng abiso ng kanyang mga doktor dahil sa pneumonia.

Simula noon, si vice mayor Michael Rama na ang acting mayor.

Bago maging alkalde, si Labella ay naging vice mayor ng Cebu City mula 2013 hanggang 2019.

Naging miyembro rin siya ng City Council na kumatawan sa Cebu City’s north district mula 1998 hanggang 2001 at 2004 hanggang 2013.

Samantala, sinabi rin ng anak ni Labella na hindi iki-cremate ang katawan ng kanyang ama at nagpaplano na sila ng public viewing.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.