Tatlong buwang fishing ban sa Visayan Sea, ikinasa ng BFAR
Spread the news on:

Ikinasa ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang tatlong buwang fishing ban sa Visayan Sea.

Ang hakbang ay para mabigyan ng pagkakataon na makapagparami ng isda sa nasabing karagatan.

Sa ilalim ng Fisheries Administrative Order (FAO) No. 167-3 s. 2013, magsisimula ang fishing ban sa November 15 hanggang February 15, 2022 para maprotekahan ang bilang ng mga sardinas, mackerel at iba pang isda sa Visayan Sea fishing ground.

Sinabi ng DA-BFAR na ang hakbang ay magsisiguro ang mas maraming isda na makukuha sa mga susunod na panahon.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.