School shutdown at work-from-home ipinag-utos sa India dahil sa lumalalang air pollution
Spread the news on:

(Photo courtesy: AJ+ via Twitter)

Ipinag-utos ang shutdown ng mga paaralan at unibersidad sa Delhi, India sa gitna ng lumalalang air pollution.

Inirekomenda na rin ng Commission for Air Quality Management sa mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang work-from-home scheme para sa kalahati ng workforce sa mga pribadong tanggapan.

Ayon sa mga eksperto, ang air quality index (AQI) na maituturing na “good” ay 0 hanggang 50. Ngunit sa ilang lungsod sa India, umaabot sa 400 ang AQI na nasa kategoryang “severe” hanggang “hazardous”.

Ang maliliit na air pollution particles na ito ay mapanganib dahil maaari itong bumara sa baga ng tao.

Ang toxic air quality sa mga lungsod sa India ay resulta ng polusyon mula sa mga industriya at sasakyan, at pagsusunog sa mga bukirin.

Lumalala ito dahil sa alikabok sa nagbabagong panahon, at kamakailan lang, ipinagdiwang ang Diwali festival kung saan nadagdagan ang polusyon dahil sa fireworks.

Ipinahinto na ang mga construction activities at ang operasyon ng karamihan sa coal-powered plants sa Delhi.

Nanawagan na ang maraming grupo ng mas matinding emergency measures.

Ang mga lungsod sa India ay ilan sa may pinakamalalang air quality sa mundo at mahigit isang milyon katao ang namamatay kada taon, ayon sa Energy Policy Institute-University of Chicago (EPIC).

(PSH-NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.