Isa patay, libu-libo nagsilikas sa northwest ng US at Canada dahil sa matinding pagbaha
Spread the news on:

(Photo credit: BC Police via Sky News; Ang binahang Sumas Prairie sa British Columbia, Canada)

Isa ang kumpirmadong patay at ilang tao ang pinaghahanap habang libu-libo ang napilitang lumikas dahil sa matinding pagbahang dinaranas ngayon sa ilang lugar sa northwest ng US at ilang bahagi ng Canada.

Natagpuan ang bangkay ng isang babae mula sa landslide malapit sa Lillooet, northeast ng Vancouver.

Sanhi ng isang bagyong humagupit sa Washington State at British Columbia noong Linggo, Nov. 14, ang dinaranas na pagbaha na nagdulot na ng matinding pinsala sa mga apektadong lugar.

Isang oil pipeline ang napwersang isara habang dalawa sa pinakamalalaking railways sa Canada ang pansamantalang tumigil sa operasyon.

Sa Sumas, Washington, inilikas na ang mga residente dahil sa mataas na tubig.

Isang 59 anyos na lalaki ang pinaghahanap din ng mga otoridad doon matapos tangayin ng baha ang minamaneho niyang truck.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.