“No vaccine, no entry” policy, ipatutupad ng Philippine Sports Commision sa mga atletang magsasanay
Spread the news on:

(Photo courtesy: PSC; File photo)

Ipatutupad ng Philippine Sports Commission (PSC) ang “no vaccine, no entry policy”para sa mga athletes at coaches sa pagsisimula ng pagsasanay ng piling national teams sa 2022.

Inanunsyo ng ahensya ang naturang alituntunin nitong Martes, kasabay ng pagpayag sa pagtutuloy ng pagsasanay ng piling national teams sa Rizal Memorial Sports Complex, Philsports Complex at Baguio Training Camp na magsisimula sa January 10, 2022.

Bumuo ang PSC ng isang technical working group upang matukoy ang lahat ng kinakailangang preparasyon ng mga teams na patutuluyin sa mga nabanggit na pasilidad.

Sinabi rin ng PSC na sa desisyon na ipagpatuloy ang pagsasanay, inaprubahan din nito ang safety guidelines na ipatutupad kapag nagsimula na ang training.

Lahat ng national sports associations ay kinakailangan magsumite ng kanilang health safety protocols na aaprubahan ng PSC Medical Unit.

Matatandaan noong May naglunsad ng vaccine drive ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa mg Pinoy national athletes, coaches, officials at sports media professionals.

Samantala, kasalukuyan nilang sinusuri ang mga pasilidad na gagamitin at nakikipag-ugnayan sa local government units na sakop ang mga naturang venues upang siguruhin na maipatutupad ang mga safety measure.

Sa mga unang bahagi ng coronavirus disease (COVID-19) lockdowns, nagsilbing quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19 ang PSC venues.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.