May rollback ulit sa presyo ng gasolina at kerosene epektibo bukas, Martes, Nov. 13
Spread the news on:

Muling mababawasan ang presyo ng gasolina at kerosene na ipatutupad ng oil companies bukas, Martes, Nov. 13.

Ito na ang ikalawang sunod na magtatapyas sa presyo ng Gasolina habang tatlong linggo naman sa kerosene.

Mababawasan ng P0.90 kada litro ang gasoline at P0.10 kada litro naman ang tapyas sa kerosene.

Wala naman galaw sa presyo ng diesel.

Ipatutupad ng Caltex ang rollback mamayang 12:01 am.

Bandang 6:00 am naman magpapatupad ang mga kumpanyang Petron, Pilipinas Shell, Flying V, PTT Philippines, Seaoil, Unioil, at PetroGazz.

Ang Cleanfuel ay ipatutupad naman ang rollback ng 8:01 am.

Ayon sa oil industry experts, ang global oil prices ngayon ay under pressure dahil sa mataas na suplay pero mababa ang demand.

Base sa Department of Energy (DoE) oil monitor bulletin, ang Dubai crude ay bumababa ng halos $1.60 kada bariles.

Gayundin ang MOPS (Mean of Platts Singapore) gasoline at diesel ay bumaba naman ng $3.00 kada bariles.

Samantala, sa pinakabagong datos ng Department of Energgy (DoE), umabot na ang year-to-date adjustments sa net increase ng P20.95 kada litro sa gasolina, nasa P17.50 kada litro ang diesel at P15.09 kada litro naman ang kerosene.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.