Limang bata patay sa landslide sa Iligan City
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Iligan City Disaster Risk Reduction and Management Office)

Patay ang limang magkakapatid nang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay, alas singko ng umaga, Linggo, Nov. 14, sa Purok 2, Sitio Sawsaw, sa Barangay Mandulog, Iligan City.

Ang mga batang nasawi ay ang magkakapatid na nasa edad pitong buwan, 2, 4, 7 at 8 anyos, ayon sa Iligan City Disaster Risk Reduction Management Office.

Nakaligtas naman ang mga magulang ng mga bata na kinilalang sina Jessie at Shela Mae Barolan na natabunan din ng pangguho.

Inoobserbahan pa rin naman ang kanilang ina, dagdag pa ng Iligan CDRRMO.

Ayon sa nakaligtas, sobrang bilis nang pangyayari kaya hindi na nila nagawang tulungan ang kanilang mga anak na makalabas.

Ayon pa kay barangay Councilor Eric Gabonada, natutulog pa umano ang mga bata nang mangyari ang landslide.

Hindi naman umano nag-uulan sa kanilang barangay nang mangyari ito, ayon pa kay Gabonada.

“The three children and their mother were brought to a private hospital while the two kids and their father were brought to the city hospital. Unfortunately, all five children died. Their mother is being observed and with intravenous fluid. They already knew their five children died,” ayon pa kay Gabonada.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.