Reuinon album ng ABBA,”Voyage”, diretso sa UK no. 1
Spread the news on:

Makalipas ang apat na dekada, hindi pa rin nawawala ang hatak ng Swedish supergroup ABBA.

Sa pag-release muli nila album na “Voyage” pagkatapos ng 40 taon kahapon, Nov. 12, diretso ito sa no.1 ng UK music charts, ayon sa ulat ng Reuters.

Sa ngayon, ito ang ‘fastest-selling album’ ng taon sa UK sa unang linggong chart sales pa lang na umabot na sa 204,000.

Tatlong music acts lang sa UK ang nakagawa nito sa nakalipas na dekada: si Adele para sa album na “25”, Ed Sheeran para sa “Divide” at ang “Midnight Memories” ng One Direction.

Sa isang pahayag, hindi naitago ng ABBA ang saya sa balitang ito.

“We are so happy that our fans seem to have enjoyed our new album as much as we enjoyed making it!,” saad ng ABBA.

“We are absolutely over the moon to have an album at the top of the charts again!”

Bago ang “Voyage” huling gumawa ng album ang ABBA noong 1981, ang “The Visitors”, na nag-no.1 din noon sa Britain.

Nabuo ang ABBA noong 1972 at sunud-sunod na nakagawa ng mga global hit gaya ng “Waterloo” at “Dancing Queen” pero nabuwag noong 1980s.

Tinatayang umabot na sa 385 million ang naging records sales ng ABBA music.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.