Baler, binuksan na sa lokal na turista nitong Nov. 10
Spread the news on:

(Photo courtesy: Screengrab Baler Muniicipal Toursim Office FB)

Binuksan na sa turista ang Baler, Aurora na kilala sa magagandang beach nito na pwedeng makapag-surfing nitong Miyerkoles, Nov. 10.

Ito ay makaraan ang halos isang taong lockdown sa nasabing tourist spot.

Sa kabila na nasa ilalim pa ng alert level 4 ang munisipalidad, makapapasok ang mga bisita kung mayroon silang S-Pass website, negatibong RT-PCR test na kinuha sa loob ng 72 oras, valid ID at confirmed pre-booking sa hotel o resort na accredited ng Department of Tourism.

Bukod sa ‘birthplace’ ng Philippine surfing, lugar din ng pinakamatanda at pinakamalaking surfing community sa bansa ang Baler.

Sa ngayon, fully vaccinated na rin ang mga tourism worker na natutuwa sa muling pagbubukas ng turismo sa kanilang bayan.

Samantala, ang lokal na pamahalaan at resort owners ay humihiling sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na pagaanin ang mga restriction sa lugar.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.